Pages

Saturday, October 27, 2012

Mga Natutunan Ko sa Walang Hanggan

Grabe, isa ata ang Walang Hanggan sa mga pinakatinutukan kong telenovela of recent years. Bukod kay Coco Martin, natuwa din naman ako sa balik-tambalan nina Richard at Dawn. Actually hindi ko ini-expect na magki-click pa sa sila. At ang masasabi ko lang, walang kakupas-kupas si Miss Susan Roces.

At syempre, may mga natutunan din naman ako sa Walang Hanggan. At ito ay:

1. Sa langit pala, hindi nagpapalit ng damit. At walang hanggang takbuhan din ang ginagawa ng mga tao. Nakakapagod yun ha.

Tumigil sila sa kakatakbo sa langit para mag-pose sa pic na ito.

2. Kahit na matangkad ang mga magulang mo (Marco at Emily) pwede ka pa din maging vertically challenged (Daniel). Si Nathan naiintindihan ko pa kasi maliit si Jane.

3. Lucrative business pala sa Pilipinas ang paggawa ng alak. Akala ko lambanog at tuba lang ang kumikita dito.

4. Baka makita ng future anak ko ang ipinaghahagis kong mga singsing/accessories na binigay sa akin ng mga ex ko. Nako. Madami yun. Baka madaming babae din ang pagbibigyan nun.

5. Pag pala kinasal ako sa pari, irerequire ko na ipakita sa akin ang license to marry niya. Baka ma-technical din ako.

6. Idol ko na si Emily. Kahit na may anak na siyang 20+ ang edad, go go go pa din sa pagbubuntis.

7. Pag naghawak kamay ang dalawang magkapatid, maiimagine nila ang multo ng apo nila na nagtatakbuhan sa bahay.

Hindi pa ako nanonood ng Ina, Kapatid, Anak. Pero napansin ko lang, walang kilay si Cherry Pie? Bakit?

1 comment:

Just Once

I won't sugar coat it kids, let's admit it. Masakit bumagsak . And for those you haven't experienced failure, let me try to show...