Pages

Monday, August 19, 2013

Ten Things... I learned in OB Rotation

At first kinabahan ako nung nalaman kong OB-Gyne ang unang rotation ko bilang Junior Intern. Nag-eenjoy ako sa OB sa lectures lalo na nung OB1 (Pregnancy and Stuf -- lagot ako kay Dra. Guerrero dahil hindi ko alam ang course description) pero isa pa din ito sa mga specialization na mahina ako. At syempre, dahil dating "Labor Hospital" ang QMMC, bumabaha din kadalasan ng mga nanganganak. Dahil ito ang first rotation ko, madami akong natutunan, sa skills, sa pakisasama, at higit sa lahat, sa pagiging doctor.

The QMMC Delivery Room
Bago kami mag-shift ng rotations, sinimulan ang pagrerenovate ng LR-DR complex ng QMMC. Ito ang "before".
1. Pag naipasok mo na, idiretcho mo na.

Kasi mahirap pag binawi mo pa, baka lalong magbulge. Lalo na kung g18 ang IV cannula, gaya ng laging ginagamit sa OB.

2. Pagpuputok na, umiwas ka na.

Lalo na pag premature, tumatalsik talaga yan. Water bag ang tinutukoy ko ha. Ang dudumi ng isip niyo.

3. Matutong makisama, hindi lang kayo ang JI sa mundo.

Actually mas nakakasama -- at nag-enjoy makasama -- pa nga namin ang mga JI from other schools. Dito ko nakilala sina Raj, Angie, Andrian at Wendell.

With my duty team co-clerks: Raj (UPHS-Binan), Angie (UERM), Lei (SBCM), me!!, and Wendell (UPHS-Binan).
4. Refer accordingly.

Wag matakot mapagalitan. Clerk ka nga eh. Junior Intern. Ikaw ang pinakamababa sa hospital food chain, pero may mga buhay na nakasasalalay na din sa'yo. Kaya kung di mo alam ang gagawin mo, magtanong ka. Nakakahiyang maging tanga pero mas nakakahiya yung tanga ka na nga, wala ka pang ginawa.

5. Dyphen-Butor-Dyphen.

Yan ang cocktail na binibigay pag may gusto kaming patulugin na pasyente. Effective naman. Just check for baseline BP at O2 Saturation.

6. Respect begets respect.

Lalo na sa mga seniors. May mga nakakainis sa kanila, na minsan parang impossible ang pinapagawa (lalo na nung first days namin), may mga ang toxic mag-utos. Pero ganun talaga. May mga residents din naman kasi na papagaanin ang buhay mo, at ipapaliwanag sa iyo kung bakit mo kailangang gawin ang mga kailangan mong gawin. Pinagdaanan din nila ang pinagdadaanan namin.

7. Caffeine + Needles --> not a good idea.

Nalaman ko yan nung minsang magpadeliver ako ng iced coffe mula sa McDonalds. Gising nga ako, hindi naman makapag-insert ng IV line o extract ng dugo. Nangangatog kasi ako. Kaya ayun, hanggang nag-umaga na, hindi ako nakapag-insert ng IV. Straight cath lang.

8. Hinahon lang.

Minsan, kailangan mong maging mahinahon lalo na pag nininerbyos na ang pasyente mo. Wag mo nalang ipahalatang first time mong magiinsert ng foley catheter o mageextract ng dugo. Deep breaths lang para di nila mapansin na nangangatog din ang kamay mo habang nililinis mo ang paglalagyan ng IV line.

9. Kumain bago magreport for duty.

Either magugutom ka buong gabi or maiinis sayo ang groupmates mo pag umaalis ka bigla para kumain. Lalo na pag toxic. Pwede ding magbaon ka nalang.

10. Gawin mo na, now na.

Sa OB, minsan bigla bigla. Sa NSD, hindi pa man ako marunong, ako na ang pinagdeliver ng resident nung baby, madulas, pero nahawakan ko naman nang ayos. Minsan naman, tinawag lang ako sa OR isang madaling araw, napansin kong dalawa lang kami nung residente, ako na pala ang first assist sa C-Section. Akala ko pang 2nd assist lang ako nun. Basta pag andiyan na, gawin mo nalang, tuturuan ka naman nila.

My duty team.
Clockwise from me. Me. JI Makoi, JI Ian, JI Lei, JI OJ, JI Shakes, Dr. Rhaizza, Dr. Mich


No comments:

Post a Comment

Just Once

I won't sugar coat it kids, let's admit it. Masakit bumagsak . And for those you haven't experienced failure, let me try to show...