Hindi ko alam kung bakit naghahanap pa ako ng batong ipupukpok ko sa ulo ko. Andito na lahat ng kailangan ko. JI na ako, may boyfriend ako na mahal na mahal ko at mahal na mahal din ako (sabi nya ha), nakakapagshopping ako -- ang dami ko nang bag at sapatos, ang dami ko na ding scrubsuits, uniform at make-up.
Sabi nila, paulit-ulit kang dadaan sa isang pagsubok hangga't hindi mo natututunan ang dapat matutunan. Pag nagawa mo na ang dapat mong gawin, saka ka lang makakapag-move-on.
Kaya nga nandito ako sa medicine eh, kasi nagpaikot-ikot na ako noon, at dito pa din ako dinala ng pagkakataon. Ngayon, may bumabalik na isang aspeto ng buhay ko na iniwan ko para dito. Pagsubok ba ito? O kailangan kong pagsabayin ito? Kaya ko bang pagsabayin ito.
Napapagod na ako sa kakaisip. Gusto ko nang bumalik sa toxic na 24hour duty. At least doon, pasyente lang ang problema ko. Ayan, bumabalik nanaman ako sa almost ten years ago. Magulo ang isip. Hindi mapakali. May kulang pa ba?
Alam ko naman kung anong kailangan kong gawin. Kaso kaya ko ba? May oras ba ako para dito?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Just Once
I won't sugar coat it kids, let's admit it. Masakit bumagsak . And for those you haven't experienced failure, let me try to show...
-
Now that we're beyond that 12.21.12 end of the world craze, it's time to start anew and plan anew and list anew. Hahahaha. There wer...
-
Originally posted in Primum non Nocere on April 21, 2014. In the first three years of medical school, you don't feel like you're ...
-
I had two great college loves. Every time someone asks me about how many boyfriends I had before my boyfriend now, I would always say thre...
No comments:
Post a Comment