Sa UP, hindi naman uncommon yung nadedelay ka. Pero usually, sa majors ka napapatagal. Ako hindi. At sa isang pre-req subject ako nagtagal. Dun ko siya naging teacher. Summer of 2004.
Familiar ba ang building na ito? |
May boyfriend ako nun eh. Kami pa ni The-One-Who-Could-Have-Been-Mr-Pagdanganan. Pero nasa beginning of the end na kami. Complicated kung bakit. Basta sa point na yun. Nalalapit na kami sa graduation, at nalalapit na rin sa paghihiwalay. Nun ko pa naging teacher si Turning Point. At dahil delayed na nga ako, at junior faculty si Turning Point, magka-edad kami. Actually, matanda pa ako by a few months.
Summer yung class so araw-araw ko siya nakikita. Nung una, cute lang siya para sa akin. Eto yung panahon na batang bata pa ang Friendster so hinanap ko siya. Nalaman kong madami pala kaming common friends. At nalaman ko ang mga org niya nung undergrad. At nalaman ko na dati rin siyang DLRC tutor. Dati akong tambay ng DLRC bago siya maging tutor. Basta. Ang dami kong nakitang common things. At ang pinakamabigat, ay magkababayan pala kami sa probinsya, nga lang, taga-bayan ako at taga-barrio siya kaya parang malayo na din.
Dun ata nagsimula ang curiosity ko sa kanya. At dahil hindi naman ako pinapansin ng boyfriend ko nun (may issues ata siya sa mga nangyayari sa buhay niya na ayaw niyang ipaalam sa akin), I had lots of time to feed that curiosity. I started hanging out with my summer classmates who eventually became my closest friends in UP, even after the summer classes.
Anyway, lahat kaming tatlong magkakaibigan nung summer, bumagsak sa class na yun (haha). Pero noon bigla akong tumapang. Kasi nga dahil hindi ako iniintindi ng boyfriend ko noon, nag-email ako kay Turning Point. Niyaya ko siyang lumabas. Manood ng movie. Imagine that -- a student, asking her teacher out. What the hell was I thinking???
So dahil kelangan kong umulit ng course at ang naging teacher ko ay roommate niya, nakikita ko pa din siya. Medyo nahihiya nga ako because he turned me down nung niyaya ko siya lumabas. Pero dahil dati siyang DLRC tutor at maayos naman ako sa Chemistry, nagsign-up ako para magtutor dun. A few months later, natuloy na ang break-up namin ni boyfriend. At that point, I asked the Turning Point again, this time, sumama na siya. We went out.
It was the summer of 2005. Sa wakas naipasa ko na yung subject niya -- sa ibang teacher syempre. Roommate ko na sa Ilang yung nakilala kong friends sa class niya. And I was nursing a broken heart. Na paminsan-minsan nakakalimutan ko kasi lumalabas-labas na kami ni Turning Point. Nung nagfiesta nga sa barrio nila, invited pa ako. Andun pa ang mga co-teachers niya. At nung nag-birthday din ako, pumunta siya sa amin.
Kaso siyempre, umasa man ako that he will see me more than a friend, alam kong hindi rin naman mangyayari kasi at that time, may nililigawan siyang co-teacher. Pero at least naramdaman ko na magkaibigan na talaga kami kasi kahit nung nasa community work ako para sa terminal sem ko, pumunta siya sa community namin sa probinsya para manood ata ng sine or something.
So yun from then, naging constant friends na kami. Paminsan-minsan bumabalik siya sa DLRC. Nung nag-apply ako sa medical school, sa kanya ko pa pina-proofread yung essay ko. And a few days before I move out of my UP housing para lumipat malapit sa med school, nagdinner pa kami together. At that time, nag-aapply na siya for PhD sa ibang bansa.
Sa mga nagtataka kung bakit Turning Point ang tawag ko sa kanya, kasi before I met him, I was a different person, with different set of friends. Nung nagkakilala kami, nabago lahat. Sa kakasunod ko sa kanya, nabago ang environment ko. Yung mga nakilala ko sa class niya, bestfriends ko until and even after graduation. Yung mga nakilala ko sa DLRC are still my very good friends till now, eight years after I signed up. Hindi ko na nga masyadong naalala kung sino ako before them.
One of our DLRC friends said that he sees me and the Turning Point in two situations. (1) We'll end up together. or (2) We'll end up being very good friends for life.
Where are we now?
I am currently in med school. He actually helped me through my break-up with the Bad Mistake. Now I am with He-Who-Shall-Not-Be-Named.
He is on his final few months working on his PhD in a country somewhere (secret!!). I don't know if they are together na but he has a special lady friend.
We still chat every so often at madalas din siyang nang-aasar sa FB wall ko pag may post ako na naaliw siya.
I guess we are on situation number (2). Maybe after everything, that's where we are meant to be.