1. Dapat laging prepared.
Sa Pedia bumalik ang pagiging OC ko sa gamit. Kasi hindi naman lahat provided ng QMMC at minsan wala ding gamit ang mga pasyente. Para mabilis nalang ang gamutan, dapat prepared lagi ang extra IV cannula, syringes, alcohol at bulak.
Ang aking "duty box" sa Pedia Ward. |
Yan ang arsenal ng mga bata pag kinuha mo na ang kamay nila para lagyan ng IV o kumuha ng dugo. Hindi lang iisang beses kong kinailangang ipatali o ipabalot sa kumot yung mga bata para lang makuhanan ng dugo. At hindi nawalan ng araw na hindi ako nasipa ng isang bata sa ward.
3. Huwag abusado.
Mababait ang mga Pedia residents to the point na magiging friends mo talaga sila. Mabait na nga sila diba, so dapat wag abusuhin. Wag sagutin. Wag dayain. Wag mag-shortcut sa mga gawain. Yung mga ginagawa ng JIs kayang kaya nilang gawin, kaso kaya nila pinapagawa sa amin para matuto.
4. Huwag masyadong chismosa.
Ang chismis lumalaki nang lumalaki sa bawat bibig na pagsalinan nito. At sa pedia, maraming mga naging bulung-bulungan. So kung may narinig, magtanong muna sa mga taong involved bago maniwala. O mas mabuti, wag nalang makinig.
5. Huwag patulan ang anxious parents.
Pag iyak na nang iyak si baby, nakakainis pa yung sasabihin ng parents na ikaw ang dapat hanapin kasi sasaktan namin sila. Hello. Kung hindi niyo pinapabayaan ang anak niyo, hindi yan magkakasakit nang ganyan.
6. Minsan, kailangan mong maging passive.
Kung hindi, mapapa-away ka lang. Period. Walanangkasunod.
7. Huwag assuming.
Hindi dahil mabait sa iyo ang mga tao, crush ka na nila. Minsan, mabait lang talaga sila.
8. Patients = Patience.
Sa mga batang makukulit at maiingay. Pero lalo na sa mga nanay at tatay na makukulit at maiingay.
9. Hindi masamang magtanong.
Gaya ng sabi ko nung nasa OB, paano ka matututo kung hindi ka magtatanong, diba?
10. Honor comes first, excellence follows.
Aanhin mo ang pagiging "excellent" kung hindi mo ito nakuha sa honorable na paraan, diba?